Sunday, February 27, 2011

Talambuhay



 Ang Walang Hanggang Pakikipagsapalaran Ko sa Mundo


Bawat araw nababawasan ang bilang ng tao ngunit kapalit naman nito ay ang mga bagong silang na sanggol. Bawat pagluha nito ay katumbas ng mga pagsubok niyang haharapin upang magtagumpay sa buhay. Wala sinuman ang nakakaalam kung ano ang kahihinatnan niya sa pakikipagsapalaran dito sa mundo. Tanging siya lamang ang guguhit ng kanyang kapalaran na maaaring maging matagumpay na hinaharap o masaklap na karanasan sa buhay.

(Pinahiga ako nina mama sa libro ng Nursing at Geometry)
       Ika-27 ng Setyembre noong taong 1995, nang isilang ako ng aking pinakamamahal na ina na si Lucia Layba. Tuwang-tuwa naman ang aking masipag na ama na si Renato Pagaduan habang hawak hawak niya ako sa kanyang mga bisig. Sabik na sabik sila sa akin dahil ako ang kauna-unahan nilang anak. Ngunit bago maganap ang kasiyahang ito, naghirap ng husto ang aking ina dahil “first time” niyang manganak, nahimatay siya matapos akong mailabas sa kanyang sinapupunan.
(sarap ng pagkakahiga ko sa sofa namin
hahaha!)
Kinabahan ang aking lola dahil karamihan sa mga nanganganak ay di na nabubuhay. Buti na lang at hindi ganoon ang nangyari. Pagkatapos ng ilang oras ay nagising na si mama.agad niya akong nakita sa kanyang tabihan. Pangit ang aking itsura noong ako’y sanggol pa lamang sapagkat kulay”violet” ang aking ulo at medyo malaki na ang aking noo. Sabi ng doctor dahil daw yun sa kamuntikan ko nang pagkalunod sa tiya
n ni mama. At sa araw ding yon, pinahiga ako ng aking ina sa libro ng Nursing at Algebra, para daw tumalino ako, pero feeling ko fifty-fifty na may effect yun.
(Si Maam Plantilla at ako noong kaarawan ko)
Si mama ay tubong Quezon at si daddy naman ay tubong Maynila. Si mama ay isang mananahi ng damit samantalang si daddy naman ay isang tricycle driver. May dalawa akong kapatid dina Renee Rose at si Leandro. Sila ang palagi kong kalaro kahit hanggang ngayon.
(larawan ko ito nang makapagtapos ako sa kindergarten)
Nung
nag-kinder ako, pumasok ako sa Pook Kasiyahan Learning Center, medyo malapit yun sa amin. Doon ko nakilala ang kauna-unahan kong mga guro na sina Maam Plantilla at Maam Jolly. Sa klase naming ako na yata ang pinaka makulit na luka-luka at suti na estudyante. Nasabi ko iyon dahil minsan ay sinusukuan ako ng mga guro ko sa sobrang kulit ko. Pang-umaga ako ang klase ko noon ngunit nilipat ako sa pang-hapon dahil sa kadaldalan ko. Napalipat lang ulit ako sa pang-umaga nung magreklamo ang ibang mga magulang dahil magaling naman daw ako sa klase bakit daw ako nilipat sa panghapon. At dahil dun napalipat ako sa pang umaga. Naalala ko pa noon nung nagtest kami tungkol sa subtraction, dahil absent ako noong ituro yon, sagot ko ay laging one at dahil doon ang score ko ay zero (palakol!). Naalala ko rin noon na lagi akong naabutan ng hapon sa skul dahil ang tagal ni daddy na sunduin ako. Nang makapagtapos naman ako ng kinder, late ako kaya naman naubusan ako ng ribbon. Kaya umakyat ako ng stage na walang ribbon kahit isa.
Nung mag elementary naman ako, pinapasok ako ni mama sa San Pablo City Central High School. Dahil late akong mag enroll, ang baba ng section ko, section 11. Ang guro ko naman doon ay si Maam Rubia.
(ako noong ako'y grade one)
Nakilala ko naman si Tony, napakatalino niya, nakakabasa na siya ng English words. Sa aming klase, kami lang ang nakakabasa ng tagalog. At dahil si Tony lang ang nakakabasa ng English words siya ang President at ako naman ay Vice President.
Nung grade two ako, tumaas ang section ko ng di ko inaasahan, section 2! Masaya naman ako noong taong iyon kahit na medyo mahigpit ang aking guro dahil kapag di ka nakasagot ay papaluin ka niyang sandals niya na may mataas na taking na kapag napalo ka, siguradong mapapaiyak ka sa sakit!. Pero ewan ko ba kung bakit ako nilalayuan ng mga kaklase ko. Sumasali ako sa mga laro nila ngunit nag-aayawan naman sila padating na ako. Ang ginagawa ko na lang pumupunta ako sa isang tabi at inaaliw ang aking sarili sa pamamagitan ng pag guguhit ng mga taong “stick” kasi yun lang naman ang nakakaya ko noong mga panahong iyon. Araw-araw na ganun ang estado ko, ayaw nila sa akin pero kapatid ko ang gusto nila. Noong itanong ko kung bakit ayaw nila sa akin, sinabi nila na pangit ako di tulad ng kapatid ko. Okay lang naman sa akin na gusto nila sa kapatid ko ngunit ang hindi ko lang matanggap kung bakit kailangan ng panlabas  na anyo upang magkaroon ng kaibigan. Nagpatuloy ang pangyayaring iyon hangang sa magkaroon ng patimpalak sa pag-awit ng paru-parong bukid. Pinag- sali ako ng guro ko. Nang araw na ng nasabing patimpalak medyo nahihiya ako dahil ang costume ng mga kalaban ko ay talagang masasabi kong BONGANG-BONGA! Samantalang ako ay simple lang, ngunit nawala ang pagkahiya ko nang umawit na ako. Nakikita ko yung mga hurado na nag-eenjoy sa aking awitin. Nadagdagan naman ang aking kasiyahan nang makuha ko ang unang puwesto. Nang pumunta ako sa aking room, nakakapanibago ang mga kaklase ko dahil hindi pa man ako lumalapit ay niyaya na nila akong makipaglaro sa kanila.
Tuwang-tuwa naman ang aking guro sa pagkapanalo kong iyon. Dahil din doon nabigyan kami ni daddy ng oportunidad na magtanghal sa Family Day.
     Nang mag- grade 3 ako, pinagkatiwala sa akin  ng aking guro na maging Teacher Leader, isang puwesto na mas mataas pa sa pagiging president. Masaya
(ako noong ako'y Grade three)
naman din ako kahit may umaaway pa rin sa akin. Hanggang sa, may kaklase ako na masyadong maarte, mapang-api na palibhasa’y mayaman, sanay na nakukuha ang gusto niya. Siya si Ikay. Naaalala ko pa noon nung bigyan ako ng aking guro ng isang baso ng Coke. Humingi siya at binigyan ko naman ngunit imbes na magpasalamat, binigay na lang niya sa akin ang baso na walang laman. Sumama talaga ang loob ko sa kanya. Isang araw, papasok na ko ng classroom nang sabihin niya sa akin na tinanggal na daw ako ni maam bilang Teacher Leader. Nagtataka ako kung bakit dahil wala naman akong ginawang mali. Hanggang sa nalaman ko na siniraan niya pala ako kay maam, pinabayaan ko na lamang siya dahil sabi ni daddy, ipagdasal ko na lamang daw siya. Sa kabilang dako, nakilala ko naman ang isang tunay na kaibigan, si Marvi Kate Lagaya. Tuwing inaaway ako, siya lamang ang nagtatanggol sa akin. Sabi niya sa akin, ako daw ang bestfriend niya. Napakasaya ko noon dahil sa wakas, nagkaroon ako ng mabait na kasangga na kahit mahirap lang ako, ay tanggap na tanggap niya ang buong pagkatao ko.
     Noong grade-four ako, hindi ako nasamahan ni mama sa pag-eenroll dahil madami siyang gawa kaya si daddy na lang ang sumama sa akin ngunit iniwan naman ako ni daddy sa may gate ng school. Sabi niya matuto daw akong mag-isa. Pumunta na ako sa room ko ngunit nang hindi ko makita ang aking pangalan sa listahan, hindi ko alam ang aking gagawin, pumunta ako sa may gym upang hanapin kung saan ba talaga ang room ko pero wala akong makita. Dahil bata pa lang ako noon, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Iyak ako ng iyak hangang sa napagpasiyahan kong umuwi na lang. Binaybay ko ang daan patungo sa amin ngunit bumalik naman ulit ako sa school dahil hindi ko alam ang daan. Iniisip ko na wag na lang akong pumasok kahit kailan ngunit nakita ako ng isang matandang lalaki na nag magandang loob na tulungan ako. At dahil sa kanya, nalaman ko na nalimutan lang pala ng aking guro na ilagay ang aking pangalan sa nasabing listahan. Sa taong ding yon, sumali ako sa choir sa pamamahal ni Mrs. Elaine Adajar. Bukod sa mabait ay magaling pa siyang tumugtog ng piano kasabay ng kanyang malamig na pag-awit.
     Noong grade five, hindi ko inaasahan na si Maam Adajar din naman pala ang magiging guro ko. Inaakala kong magiging maganda ang taong ito ngunit nagkamali
(larawan ko noong ako'y grade 5)
ako. Lagi na lamang akong naa-out of place dahil halos sila ay mayayaman. Konting pagkakamali ko lamang ay inaaway na nila ako, kung hindi pandidilatan ng mata, ay pagsasabihan ako ng masasamang salita. Natuto akong maging mataray dahil nakita ko na kapag mataray ka matatakot silang kalabanin ka ngunit di ko nakaya ang pagiging mataray dahil hindi iyon normal para sa akin. Lagi na lamang akong umiiyak hanggang sa makilala ko si Geezelle Enriquez. Siya ang nagtatanggol sa akin. Ngunit kapalit ng mga masasamang pangyayaring ito, naging soloista ako ng Central dahil si Kuya VJ, ang dating soloista ng Central ay naging abala dahil siya ay magtatapos na ng elementarya. Noong magkaroong ng isang program sa gym ay pinakanta ako ng lakeside march ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nalimutan ko ang pang huling lyrics kaya naman nag-shortcut na lang ako.
     Ang pinakamakulay ko namang taon sa elementarya ay noong mag-grade 6 ako. Naging masaya ako kahit nagkahiwalay kami ng section ni Marvi Kate dahil bukod kay Gezelle nakilala ko sina Jhanina at Justine Tolentino. Magkakasama kami tuwing
(ako, si daddy at si Renee Rose)

recess at laging magkakapareho ang binibili naming pagkain. Hindi kami nag-iiwanan sa hirap man o ginhawa. Napatunayan namin ito nang magsumbong kami sa principal tungkol sa maling ginagawa ng guro ng kapatid kong babae. Sinabi namin na lagi niyang pinagbabayad ang mga estudyante niya kahit wala namang bibilhin. Pinatawag siya ng principal at sa di malamang dahilan, nalaman ng gurong ito na kami ang nagsumbong. Sinabi ng kapatid ko na sinabi niya ang mga bagay na iyon sa kanyang guro. Iyak kami ng iyak dahil lagi nito kaming pinatatawag sa kanyang room na wala man lang paalam sa aming adviser. At di naglaon, nalaman ng halos lahat ng subject teachers namin ang tungkol dito. Sa sobrang pag-iyak namin, makikita ninyo ang aming Graduation picture na pugtong-pugto ang aming mga mata. Samantala, tuwing nagte-test kami sa Science lagi na lang akong bagsak at kung hindi bagsak, ako ang lowest. Nagpursige ako sa pag-aaral nang sabihin ng akong guro na ibinabagsak niya ang mga estudyanteng mababa ang scores sa mga test. Kaya naman nagulat siya nang maging achiever ako noong ako’y nagtapos ng elementarya. Ngunit as usual, late na naman ako kaya kakaiba ang aking bulaklak. Sa taong ding ito, first time kong makatanggap ng bulaklak noong birthday ko na kahit plastic ay mahalaga pa rin sa akin. Nang sumali ako sa isang singing contest, nag 3RD place ako. At noong binati niya ako, ayaw niyang bitiwan ang aking kamay.
     Ngunit sa kabila nito, hindi ako bumili ng kahit anong class picture noong elementary dahil bukod sa wala akong pambili, ayokong maalala ang mga mapapait na karanasan ko noon.
     Nag aral naman ako ng high school sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School o in short, Dizon High. Nag test ako dito upang mapasama sa science section pero di ako nakapasa. Naging 1-A ako , masaya na ako dito dahil may dati akong kaklase doon. Ngunit dahil kulang ang science section ng ilang estudyante, pinag-test ulit kami. Ang usapan namin ay hindi namin ipapasa ang test dahil kaunti lang ang electic fan sa room ng science kaya halos lahat ng aking sagot sa test ay puro hula. Ngunit nang sabihin na ang resulta ng test namin, nagulat ako dahil, napasama ako sa mga nakapasa. Sa klaseng iyon, una kong nakilala si Cathlyne, siya ang naging best friend ko noong 1ST year ngunit hindi pa nangangalahati ang taon ay lumipat na siya ng Quezon.  Kahit nagkahiwa-hiwalay kaming apat ninna Gezelle, Jhanina at Justine, hindi nila nalilimutan ang aking kaarawan. Noong kaarawan ko, pumunta lang sila sa Dizon upang batiin ako ng maligayang kaarawan. Ang mga kaklase ko naman ay madali kong napakisamahan dahil ibang iba sila sa mga naging kaklase ko. Ginagalang at nirerespeto nila ako.  Lalong sumaya ang aking pagiging freshmen noong manalo kami sa Ibong Adarna. Sa huling buwan ng pagiging 1ST year , nabawasan kami ng dalawa, sina Cathlyne at Jhonna, pareho silang lumipat ng eskwelahan.
     Nang mag 2ND year ako, wala pa ring pinagbago, dahil sila pa rin ang kaklase ko. Noong recognition ng 1st grading, hindi ko inaasahan na makakapasok ako sa top 10. Akala ko noon naka tsamba lang ako ngunit nasundan iyon hanggang 4Th year. Ang saya-saya talaga! Ngunit habang tumatagal unti-unti na naming nararamdaman ang hirap. Sa dami ng mga test, projects, at assignments na minsan ay nagkakasabay-sabay pa, normal na sa akin ang matulog ng 11 pm at gigising minsan ng 4 or 5 am at minsan pa nga nagigising ako ng 6 dahil sa puyat. At hindi lang yan, dahil nga puyat ako lagi, bukod sa mga lumalaki kong eyebags, madalas na rin akong kinukompara sa mga kapatid ko dahil sa kaliitan ko. Kahit kapatid ko tinatawag akong unano, pandak, at kung ano-ano pang mga masasakit na salita. Mahapdi, ngunit dinadaan ko na lamang sa pagluha ng tahimik dahil kahit baligtarin ang mundo, tama sila. Tanging sina mama at daddy lamang ang naging sandigan ko noon at hanggang sa ngayon. Idagdag pa diyan ang panunukso sa akin ng mga tita at tito ko.
     At ngayon ay 3rd year na ako, as usual sila pa rin ang kaklase ko pero hindi ako nagsasawang sila lagi ang aking nakikita dahil masaya silang kasama. Kaya kapag may class picture kami, hindi ko pinalalagpas na hindi ako makabili dahil siguradong sigurado ako na sila ang tanging mga kaklase ko na nais kong  balikan sa
(larawan ko ngayong 3rd year)
aking pagtanda. Kung Grade 6 ang pinakamakulay kong taon noong elementary, ngayon, 3rd year ang pinakamakahulugan kong taon sa high school.  Lalo na noong makapasok ako sa audition ng radio broadcasting (Filipino). Lumaban kami sa Sta. Rosa kung sann nakamit naming ang unang gantimpala kaya ngayong April, pupunta kami sa Butuan City upang lumaban para sa national level!! At ang pagiging senior, ay hindi kumpleto kung walang JS Prom na talaga namang pinaghahandaan ng lahat. Ang JS namin ay Hawaiian theme. Ang aking isinuot ay gawa ng aking magaling na ina. Nung una, akala namin magmumukha kaming weird sa theme na iyon ngunit nang makita namin ang venue napa-wow kami sa ganda. Pagkatapos ng ilang program nagsimula na ang sayawan. Akala ko nga mababangko ako pero buti na lang may nagsayaw sa akin. At kapag naman tumutugtog ang mga nakakaindayog na tugtugin ay nagsasayaw kami na para bang wala nang bukas. Kapalit nag mga kasiyahang iyon, humharap kami ngayon sa isang malaking suliranin. Iyon ay ang pagtatanggal ng ilan sa amin upang ilipat sa section A. Kung hindi namin maaabot ang average na 85 pataas ay sigaradong mawawala na kami sa science. Tuwing napag-uusapan ang
(ako at ang aking kapatid)
tanggalang magaganap, lahat kami ay kabado at malungkot. Minsan pa nga hindi namin maiwasan ang lumuha dahil iniisip namin na pagkatapos ng tatloong taon ay magkakahiwa-hiwalay na kami. Upang hindi ako mawalay sa aking mga kaklase, nagsisipag akong mag-aral.
(Family Picture namin noong nakaraang Pasko)
     Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang pakikipagsapalaran ko sa aking buhay
upang makamit ang aking mga mithiin. Kahit anong hirap at pangungutya na aking matatamo, kaya kong tiisin hanggat may Panginoon na gumagabay sa akin at mga magulang na nagbibigay suporta sa akin.

Wednesday, February 16, 2011

History of Blog's Name

Being True to Myself


(Just me!!)

              I choose my bog’s name, as Tiny Singing Recy The Never-ending Journey because physically, I’m just a pint-sized as compared to other ordinary students but regardless of being small, I really really love to sing as in singing is my first and true love. They said that I have sweet, melodious and calming voice. My father is the one who taught me how to sing since I was seven years old. I sometimes sing the hits of AEGIS, Sarah Geronimo, Mariah Carey, Regine Velasquez, Asin, Sampaguita, Avril Lavigne, Vanessa Hudgens, Taylor Swift, Ashley Tisdale, Kelly Clarkson, Charice Pempengco and many more. My favorite songs are Through the Rain, Kaibigan, The Time, and Walang Natira. I joined several amateur singing contests but I just won few titles, anyway I still believe that I’m just starting my journey. When I was in grade two in San Pablo Central Elementary School, I won 1st place in singing “Paru-parong Bukid. I still remember when my father and I sang together on-stage, singing the song “Bakit Ngayon Ka Lang”. My father played the guitar while we’re singing. Up to now, I can still hear the cheering of the audiences while we perform in front of them.

( Recy)

            I received many encouraging and heartening praises like small but terrible! But although I received this kind of exalt, I also suffer from emotional problem. Every time I received wounding, insulting and incommodious comments, annotation and remarks about me like “mukhang grade one”," kinder” and worst of all tiyanak”, you might laugh with it but it felt like my heart is slashing, shredding, splitting and tearing apart. When I was a Red Cross Youth member before, my former adviser questioned me of how come that I can save somebody with my diminutive height. Suddenly my tears flow in my face unexpectedly. I just can’t stop weeping in that kind of questioned even though I already accepted that I’m small. But as of today, I don’t care with those annotations besides there are  many people, who truly love me a lot like my assiduous mother, amiable father, and benevolent brother and sister.
            I believe that my journey has no finale. It will continue its cruise until my last breath. And before it happens, I will strive to the fullest until I reach my final destinations.
            This blog will be the foundation of my dreams. I want to show the world that I can make it to the top even I’m small. Singing is the symbol, icon and reflection of my self. I believe that my dreams will come true with a simple positive outlook in life, hard work and being faithful to the Almighty God and I will make my determination strong no matter what happen....

I Am a Responsible Netizen

Live the Modern World with the Modern Technology


(courtesy of Google Images)
Nowadays we survive in this complicated world with new technology and gadgets. Not like before that our forefathers used simple machines that comes from our nature like a piece of rock, branch of a tree, soil and sand. Some of us can’t live with the sophisticated technology that was made for us to live easier, comfortable and stress free. But we must be careful in using those gadgets because it may put us in danger if we’re injudicious

(courtesy of Google Images)

Through high-tech machines, we can make things impossible to possible. Like facebook, twitter, gmail, friendster and yahoo mail. Come to think of it that we can still be keep in touch with our love ones using those websites even they are miles farther than us. Our classmates that we don’t see after years and years ago can be seen also in this websites. In fact you can speak to each other with video chatting. One thing that is so good in this is you can store pictures in countless number and you can share it with your friends. You can even play numerous games to be entertained when you get bored. Our research project can be easy with just typing the topic and click it and then BINGO! You can have the answer. But be careful in manipulating new technology. It can be harmful to us depending on how we will use it. Be secured in any time. Never ever put your full name and bank account number in any websites if you’re not sure about it. Just remember, just one click you can have all the information you need or you will suffer for what you did!

Film Review

Percy Jackson and the Lightning Thief

(lightning bolt
courtesy of Google images)
           Sa simula ng palabas ay nag-usap sina Zeus (diyos ng kalangitan) at si Poseidon (diyos ng karagatan) sa itaas ng tinatawag na Empire State Building. Sinabi ni Zeus na nawawala ang kanyang lightning bolt (ang pinakamalakas na sandata ni Zeus) at pinagbibintangan nito na ang nagnakaw ay ang anak ni Poseidon na si Percy Jackson isang demigod (anak ng isang diyos). Ngunit iginiit ni Poseidon na hindi iyon magagawa ni Percy sapagkat hindi nito alam ang kanyang tunay na pagkatao. Subalit hindi nakinig si Zeus sa paliwanag nito, at sinabing magkakaroon ng malaki at matinding digmaan hangga’t  hindi naibabalik ang kanyang lightning bolt.
Si Percy Jackson, labing-anim na taong gulang ay namumuhay na kasama ang kanyang inang si Sally at ang pangalawang ama nitong si Gabe Ugliano. May kakaibang katangian si Percy, nakababasa siya ng mga salitang Griyego at nakakatagal sa ilalim ng tubig sa mahabang oras. Isang araw, sa kanilang silid-aralan, ay tinanong siya ng kanyang guro tungkol sa mga salitang Griyego. Tumingin siya sa may pisara kung saan naroon ang sagot na nasa salitang Griyego at nabasa naman niya ito ngunit sinabi ni Percy sa kanyang guro na hindi niya ito alam. Naniniwala siyang nagagawa niya ang nakamamanghang katangiang ito dahil may ADHD o Dyslexia siya.

(Fury, courtesy of Google Images)
Nang pumunta sila sa isang museo, tinawag siya ng isa sa kanyang nga guro na si Mrs. Dots upang magtungo sa isang lugar para sila’y mag-kausap. Nang sinundan siya ni Percy ay bigla itong nawala. At maya-maya ay sumulpot ito ngunit bilang Fury, isang halimaw na may pakpak. Kinukuha nito ang lightning bolt kay Percy ngunit sinabi nito na hindi niya alam ang sinasabi ng Fury. Samantala, dumating naman sina Mr. Brunner, isa sa kanyang mga guro at si Grover Underwood, ang kanyang matalik na kaibigan sa lugar na pinangyayarihan ng kaguluhan. Ang dalawang ito ay pawang may kapansanan. Nang makita ang Fury, pina-alis nila ito. Nang malaman nila ang tunay na pakay nito ay inuutos kaagad ni Mr. Brunner na umalis na sina Percy at ang ina nitong si Sally sa kanilang tinitirhan upang magtungo sa Camp Half Blood. Sinabi pa nito kay Percy na sasamahan siya ni Grover. At bago umalis ang dalawa, binigyan ni Mr. Brunner si Percy ng isang bolpen. Noong una ay nagtaka ito ngunit sinabi ni Mr. Brunner na ito ay magiging sandata niya. Nagtungo na ang dalawa sa tahanan ni Percy at nakita nila ang kanyang amain, si Gabe na nag-iinom ng alak kasama ang mga barkada nito at ang nakapagpagalit pa kay Percy ay ginagawang utusan ang kanyang ina. Dali-daling sinabi ni Grover kay Sally ang dapat nilang gawin. Nag-aatubili naman silang sumakay ng sasakyan upang umalis kung saan ay iniwan nila si Gabe. Sa daanan ay biglang may tumalsik na isang baka sa kanila. Gumulong ang kanilang sasakyan sa lakas ng pagkakatama. Upang makalabas sila ay nag-alis ng pang-ibaba si Grover upang sipain ang salamin ng bintana. Dito napag-alaman ni Percy na ito pala’y kalahating tao at kalahating kambing. Nang makalabas na sila ng sasakyan ay tumakbo na sila patungong Camp Half Blood dahil hinahabol sila ng isang minotaur. Ngunit hindi nakapasok si Sally sa kampo sapagkat hindi siya demigod. At dahil dito ay naabutan ito ng minotaur at napatay. Nang makita ito ni Percy ay muli siyang lumabas ng kampo upang patayin ang minotaur sa pamamagitan ng bolpen na ibinigay sa kanya ni Mr. Brunner na nagiging espada sa tuwing siya’y nasa laban.
Ngunit siya’y nahimatay dahil sa tindi ng pagkabigla sa mga nangyayari.
(Mr. Brunner courtesy of Google Images)
           Pagkatapos ng tatlong araw ay nagising na sa wakas si Percy. Sa pagmulat ng kanyang mga mata ay nakita niya si Grover. Sinabi ni Percy sa kaibigan na may napakasamang panaginip siya. (ang kanyang panaginip ay yung nangyari sa kanila bago pumasok ng Camp Half Blood). Nang makita niya ang mga binti ni Grover ay nalaman niyang totoo ang kanyang
(sa camp half blood)
panaginip. Pagkatapos nito ay ipinasyal siya ni Grover sa buong Camp Half Blood. Dito nalaman niya na ang kanyang matalik na kaibigan ay isang satyr at ang kanyang taga-protekta samantalang si Mr. Brunner naman ay isang Centaur at mas kilala sa pangalang Chiron. Pinakiusapan ni Chiron si Percy na pumunta sa Mount Olympus upang sabihin kay Zeus na wala sa kanya ang lightning bolt. At upang maihanda si Percy, kailangan nitong mag-ensayo.  Sa pag-eensayo niya ay nakilala niya ang iba pang mga demigod tulad nina Luke Castellan, anak ni Hermes (mensahero ni Zeus) at siyempre ang babaeng nakabighani sa kanya na si Annabeth Chase (anak ni Athena).
           Isang araw nagkaroon na ng isang pagsasanay ang buong kampo. May dalawang grupo ang maglalaban at ang unang makakuha ng pulang bandera ang siyang magwawagi sa pagsusubok. At nagsimula na ang pagsasanay, kasagpi ni Luke si Percy at dahil medyo lampa pa si Percy ay pinauna na siya ni Luke. Nang makakita si Percy ng ilog ay dumapa siya upang sumalok ng tubig at doon niya nakita ng pulang bandera. Kukunin na sana ito ni Percy nang biglang sumulpot si Annabeth at naglaban ang dalawa. Lubhang nasugatan si Percy dahil magaling si Annabeth na makipaglaban. Nang lumapit si Percy sa may ilog ay biglang gumaling ang mga sugat nito at lumakas pa siya. Muling naglaban sina Annabeth at Percy. Sa huli ay nanalo ang koponan nina Percy. Dahil dito ay nagkaroon ng kasiyahan sa buong kampo. Sa gitna ng kasiyahan ay biglang lumabas si Hades, isa sa mga diyos na kapatid ni Zeus, sa isang malaking bonfire. Hinahanap nito si Percy Jackson upang kunin ang lightning bolt. Nagpakita naman sa kanya si Percy. Sinabi ni Hades na kapalit ng lightning bolt ay ang kanyang ina na kasama niya sa Underworld. Pagkatapos nito ay bigla nang naglaho si Hades. Sa kabilang dako pinagbawalan ni Chiron na pumunta ng Underworld si Percy. Ngunit dahil sa pagmamahal ni Percy sa kanyang ina ay hindi niya sinunod ang utos ni Chiron. Samantala, nagpumilit namang sumama sina Annabeth at Grover kay Percy. Lumapit sila kay Luke upang magtanong kung paano makakapunta kay Hades.
(Percy, Annabeth and Grover
courtesy of Google images)
           Si Luke naman ay nagbigay ng isang kalasag, isang pares ng sapatos na may pakpak na ninakaw niya sa kanyang amang si Hermes at isang mapa kung saan makikita nila ang mga lugar kung saan nakatago ang tatlong perlas na makakatulong sa pagpunta nila sa Underworld.
           Ang tatlo ay nagtungo na sa isang lumang bakuran kung saan maraming nakaimbak na estatwa. Nang makita ni Grover ang isang estatwa na kamukha ng kanyang tiyo, naalala niya na namatay ito dahil kay Medusa, isang babae na may buhok na puno ng mga ahas. Bigla
(courtesy of Google images)
ng sumigaw si Grover na umalis na sila dahil si Medusa ang nakatira doon. Samantala nakita naman ni Medusa si Annabeth. Pilit na pinamumulat ni Medusa si Annabeth upang tumingin sa kanyang mga mata. Susunod na sana si Annabeth nang dumating si Percy at ito’y naramdaman ni Med

usa. Hinabol niya iyon. Nang tumakbo na si Percy ay naiwan nito ang kanyang “cellphone” na kinuha

naman ni Medusa. Dito nagkaroon ng pagkakataon si Percy na tagpasin ang ulo ni Medusa at kaalinsabay nito ay dumating naman sina Grover at Annabeth. Nakuha naman ni Percy ang unang perlas sa singsing ni Medusa. Umalis na ang tatlo na dala-dala ang ulo nito na nakatakip ang mata dahil kahit ito’y patay na, magiging bato pa rin ang sinumang tumingin sa mga mata nito.

Biglang lumabas na sa mapa ang pangalawa nilang pupuntahan ang Parthenon sa Nashville. Ginamit ni Percy ang nalipad na sapatos upang maabot ang panaglawang perlas dahil ito’y nasa taas ng isang rebulto. Nang makababa na si Percy ay biglang dumating ang isang dragon na may maraming ulo. Natalo ito ni Grover sa pamamagitan ng ulo ni Medusa. Nang makalabas na sila, lumabas na sa mapa ang huli nilang pupuntahan, ang Las Vegas. Dito ay nagtaggal sila dahil kumain sila ng Lotus, parang “cupcake”. Nakalimutan nilang tatlo kung bakit sila naroon at nagtagal ng maraming araw. Ngunit di naglaon ay natauhan na sila nang makita ni Percy ang perlas na kulay asul. Nang makaalis na ang tatlo ay nagtungo na sila sa Underworld, na nasa Hollywood.

(Persephone and Hades)

           Nakilala nila si Persephone, ang magandang asawa ni Hades. Tinanong ni Hades kung dala na nila ang lightning bolt ngunit sinabi ni Percy na ipakita muna ang kanyang ina. Nang makita na ni Percy ang kanyang mahal na ina, ay nabitawan niya nag kanyang hawak na kalasag na lingid sa kaalaman nila ay naroon ang lightning bolt. Tuwang tuwa si Hades nang mapasakamay niya ito ngunit dahil sa pagkadala niya sa halik ni Persephone ay nakuha ng nito ang lightning bolt. Pinatay naman ni Persephone si Hades gamit nito at ibinalik ang lightning bolt kay Percy. Nang babalik na sila ay nagpasya silang iwan si Grover doon dahil tatlo lamang ang perlas nilang dala.
           Samantala, sina Sally, Annabeth at Percy ay nag-teleport patungong Empire State Building upang ibalik ang bolt kay Zeus ngunit sinalakay sila ni Luke. Sinabi nito na kaya niya kinuha ang bolt ay upang siya na ang maghari sa buong mundo at nang hindi na siya mapasailalim ng mga diyos. Sa huli ay natalo ni Percy si Luke sa pamamagitan ng pagmamanipula niya sa tubig. Ibinalik na ni Percy ang lightning bolt kay Zeus. Dahil dito ay pinayagan ni Zeus na magkausap sina Percy at Poseidon.

           Pagkatapos nito ay tumira na si Percy sa Camp Half Blood kasama sina Grover na nagkaroon na ng maliit na sungay (na ang ibig sabihin ay magiting na tagapagtanggol) at si Annabeth.
Sa huli naman ay naging bato si Gabe dahil binuksan niya ang refrigerator na may laman ng ulo ni Medusa.
Direktor: Chris Columbus
Sumulat ng Kwento: Rick Riordan
Mga nagsiganap:
Logan Lerman bilang Percy Jackson
Alexandra Daddario bilang Annabeth Chase
Brandon T. Jackson bilang Grover Underwood at
Jake Abel bilang Luke Castellan


Futuristic Story

Ang Ginintuang Tinig

           Ang bawat talento ay dapat hasain upang gumanda at yumabong  ito. Dapat ay ibinabahagi ang mga biyayang natanggap natin mula sa Panginoon. Ang talentong ito ang maaaring mag-angat sa ating buhay mula sa kahirapan Wag mahihiyangng ipakita ito sa iba dahil kapag ito’y nagtampo, ikaw rin ang manghihinayang sa huli…..


(theadventuresofpixiiandherlife.blogspot.com/2...)
 “Opo, nandyan na po,” sabi ni Lira sa kanyang ina. “Bilisan mo, anak, mahuhuli ka na naman niyan sa klase,” sabi ni Aling Lucy. Si Lira, dalagit na laki sa hirap, ay isang 3rd year student na nag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, isang paaralan sa San Pablo na bagamat public school, ay may mataas na kalidad at maihahanay sa mga magagagaling na private schools. Si Lira ay isa sa mga nangunguna sa klase, magaling siyang kumanta, umarte, magsulat ng mga tula, kwento, at marami pang iba. Sa kabila ng mga magagandang katangiang ito, madalas siyang nakaririnig ng mga di magagandang puna dahil hindi na nga sya gaanong kagandahan, maliit pa sya. Kaya naman hanggang sa magdalaga ay wala siyang manliligaw. “ Oh, anak, ito ang baon mo, mag-iingat ka sa daan hane,” anang Aling Lucy. Halos na yata ng mga napagdaanan ni Lira ay alam ni Aling Lucy, kahit pa nga lovelife nito. “Opo Inay, mag-iingat po ako, una na po ako, ba- Bye!”, sabay halik ni Lira sa pisngi ng kanyang inang nakatayo sa may pintuan. At umalis na si Lira patungong eskwelahan.
           Pagdating pa lamang niya sa may gate ng kanilang eskwelahan ay sinalubong na siya ni Sofia, ang kanyang matapat at maaasahang kaibigan. “Uy, Good Morning, Lira,” sabi ni Sofia habang kinukuha nito ang gamit ng kaibigan.
 “Ako na ang magdadala ng gamit mo”.
“Uy, Good Morning din Sofia, salamat!” sabi ni Lira sa nagmamagandang loob na kaibigan. At sabay na silang nagtungo sa kanilang silid aralan. Pagkaupo  nila ay dumating na si Mrs. Teresa, ang Physics teacher nila.
“Ok class, Good Morning!”
“Good Morning, Mrs. Teresa,” ang sabay sabay na bati  ng mga bata habang tumatayo sa kanilang kina- uupuan.
“Class bago ako magsimulang mag-discuss ng ating lesson, alam nyo na  ba yung naka-paskil sa may bulletin board?” Pagkatanong nito ay kinaringgan niya ang mga estudyante ng mga tanong na “Ano kaya yun?”, “Ano kayang nakapaskil doon?”, “ Maganda kaya yun?”, “Tungkol saan yun?”
“Class, sino dito ang magaling kumanta?”
Biglang sumigaw ang mga estudyante, “Maam si Lira po! LIRA! LIRA! LIRA!
“May band contest sa buong school natin at kulang yung isang banda ng vocalist, ikaw Lira, are you willing to join the band?” tanong ng mausisang guro.
Tumayo si Lira, iniisip niya na baka siya magkamali sa pagkanta o kung hindi man ay pumiyok at mapahiya sa maraming tao. “Maam, ayoko po, ayoko po talaga!”
           Nang mapakinggan ito ng buong klase, narinig ni Lira ang mga salitang “Ano ba yan, napakaarte naman, kung ako ang may ganyang kagandang boses, ako ang mag bo-volunteer na sumali sa band!”
Dahil dito, biglang nanghina ang  kalooban ni Lira, napa-upo siya sa labis na pagkabigla. Gusto niyang umiyak ngunit iniisip niyang baka sabihin ng mga kaklase niya na masyado siyang sensitibo kaya naman tiniis na lamang niya ito.
Hanggang sa pagtulog ay iniisip pa rin niya ang pangyayari.
At sa hindi inaasahang pagkakataon bigla na lamang niyang nakita ang sarili sa may oval ng kanilang paaralan na nakahandusay sa mga damo. At sa di kalayuan ay naaaninag niyang may papalapit sa kanya. Nagtangkang tumayo si Lira ngunit bago pa man niya ito magawa ay hinawakan siya nito at sinabing,“Sino ka, at bakit ka nandito?”  Hindi siya makasagot dahil sa sobrang takot na kanyang nadarama. Muling nagsalita ito,“Tamang-tama may bago na naman kaming bihag! Hahahahaha!!!”
“A…a…a….nong…. bi…hag? A..a….a..ko ay isang bi..hag?” ang nanginginig na tanong ni Lira. At bigla na lamang siyang hinila nito patungo sa tinatawag nilang Faculty Room.
At doon niya nakita ang maraming guro at estudyante na nagkakasiyahan. Ikinulong siya sa grandstand (malapit sa tindahan ng kwek-kwek).
           Sa kanyang pagkakakulong, napansin niyang siya lang pala
ang mag-isang nakapiit sa madilim at mabahong kulungan na iyon.
           At bukod pa sa maruming kulungan niya ay di siya pinapakain ng mga bumihag sa kanya kaya naman imbes na umiyak ay idinadaan na lamang niya iyon sa pag-awit. ito ang patuloy na ginagawa niya hanggang sa marinig ito ng isang kawal.
            “Sino kaya yun? Ang boses niya ay nakaka-ginhawa sa pakiramdam at nakapag-aalis ng kapaguran na aking naranasan!” ang bulalas na sabi ng kawal habang mabilis na nagtungo sa pinanggagalingan ng tinig. Nang maramdaman ni Lira na may paparating, tumigil siya sa pag-awit. Sinabi ng kawal ang ukol dito sa kinauukulan. Nang malaman nila ang tungkol dito pinalabas nila si Lira mula sa grandstand at ipinakita sa mga kinauukulan. Pina-awit nila ito ngunit dahil sa matagal na di pagkanta, ay pumangit ang boses niya na nagging dahilan ng kahihiyan ng kawal. Pinapatay ng mga matataas na pinuno ang kawal sa pag-aakalang nagsisinungaling ito. Pagkamuhi naman ang naramdaman ng mga kamag-anak ng kawal kay Lira. At dahil dito itinakas nila si Lira mula sa pagkakabilanggo nito.
“Maraming salamat po”, sabi ni Lira, ngunit wala ni isa man ang nagsalita sa kanila. Dinala nila si Lira sa may Mapeh Building hindi para iligtas ngunit upang pagbayarin sa nangyari sa kawal na kanilang kamag-anak. Nang papatayin na nila si Lira biglang may sumulpot na isang magandang babae.
“Mrs. Teresa? Ano pong ginagawa ninyo dito? Sabi ni Lira na nangangatal sa takot.
“Ililigtas kita dito,Lira”, anang Mrs. Teresa
“Paano nyo po nalaman na nandito po ako? Paano po kayo nakarating dito?”
“Lira, ito’y isang leksyon lamang para sa ‘yo”.
“Hindi ko po maintindihan, ano pong leksyon ang sinasabi nyo?”

(www.drugs-health.com/blog/wp-content/uploads/...)

“Lira, dahil sa di mo pagpapakita ng natatangi mong talento sa pag-awit ay unti-unti itong binabawi ng Diyos upang ibigay sa iba na nais magkaroon nito”.
“A…a…no po, binabawi? Bakit po?”
“Dahil ang nais ng Diyos ay ibahagi mo sa iba ang biyayang ipinagkaloob  nya sa iyo at kung patuloy mo itong ipagkakait sa iba ay tuluyan nya na itong kukunin sa iyo!”

“Ano po ba ang nararapat kong gawin?”
“Umawit ka ng buong puso at ibahagi ito sa iba,ito pa marahil ang mag-aangat sa iyo sa kahirapan”.
“Paano ko po ito ibabahagi sa iba?”
           Hindi na siya sinagot nito bagkus ay hinila siya nito  patungo sa isang pader kung saan sila naglahong parang bula at bigla na lamang…..
KRRRRING!!! KKKRRRIINGGG!!!! KRRING!!
Biglang nagising si Lira. Pawisang pawisan siya.
“Napakasamang pangyayari, buti at isang panaginip lamang iyon”, ang nasabi ni Lira sa sarili.
Nagbihis na siya patungong eskwelahan, at sa di inaasahang pagkakataon nasalubong niya si Mrs. Teresa.
“Lira, alam mo na ang gagawin mo”, sabi ng guro
           Biglang naalala ni Lira ang kanyang panaginip napagtanto niyang totoo iyon. Pamula noon, sumasali na siya sa iba’t –ibang band at singing contest at ngayon ay sumikat na siya. Nakapag-pagawa ng bahay, nakabili ng kotse, at maraming pang iba in short umunlad ang kanyang buhay. Nakatulong rin siya sa kanyang paaralan, nakapagpagawa na ng maraming room at building, may bubong na ang oval, tatlumpung estudyante na lang bawat room ang nag-aaral, maganda na ang sound system tuwing may program. High-tech na ang mga kagamitan sa pag-tuturo at tig-iisang estudyante na lang kada-computer. Napatunayan niyang  totoo ang mga sinabi ni Mrs. Teresa na ang talentong hinasa at sa iba’y ibinahagi, sa tagumpay ng buhay laging nauuwi.

Monday, February 14, 2011

The Meaning of Helpfulness

The Value Of Helpfulness

Sagip Kapamilya (courtesy of  Google images)
          Do you know the value of helpfulness? Each one of us has to know the merit of being helpful. Helpfulness is very notable to us. Like for example when the Typhoon Ondoy occurred in Metro Manila. Some places were flooded, some properties are destroyed and most of all, a great number of people died because of this strong typhoon. The foundation called “Sagip Kapamilya”, of ABS-CBN, helped them. They gave some foods, clothes and most of all water. Even if it’s not that easy to reach those places, they didn’t stop rescuing people who are trapped in their respective areas. The victims we’re so glad that there are people who are willing to help them in case of calamity.

          You don’t have to be rich just to help somebody. If you have no things to give in the needy people, you can helped them by praying God to guide them in their daily life. Helping people is not the way to become popular or to become trendy, but to help them in time of their needs.

On My Own

Bukod sa pag-awit, mahilig rin akong gumawa ng mga tula. Ang tulang nasa ibaba ay ginawa ko noong ako’y siyam na taong gulang pa lamang.



My Dreams

Being a child,
I never ever mind,

writing a poem (courtesy of Google images)

 The moments that happened,
 That makes my heart strengthen

Now I discover something new
That what is my heart is true,
I want to follow my dreams,
Like a starlight that beams.

For all the people I loved,
Being with you makes me feel like a free flying dove
I made this just for all
That my dreams may not fall

At ito naman ang aking nilikha noong ako’y labing-apat na taong gulang, kung saan ako’y nagwagi ng ikatlong gantimpala sa isang payimpalak noong Buwan ng Wika

Napakahalaga ng Ating Pinagpalang Wika

Ang wika ay mahalagang kasangkapan,
Dahil ito’y maaaring maging daan,
Sa bawat isa na magkaunawaan,
At magkaroon taco ng kalayaan.

Di dapat ikahiya ang ating wika,
Dahil ito’y namumukod at dakila,
Nag-iba man ang ating mga salita,
Ito’y galling sa Diyos at pinagpala.

Sariling atin ay dapat mong gamitin,
Nasa ibang bansa man o wala sa’tin,
Ang pagiging Pilipino’y ‘wag alisin,
Wikang Filipino’y ating paunlarin.

Philippine Flag (courtesy of Google images)

 Ang wika ay simbolo ng isang bansa,
Kaya’t ang ating wika’y dapat ihasa,
Sa wikang Filipino’y maging bihasa,
At nang hindi tayo magmukhang binasa.

Ang mga nagdaan ay ating suriin,
Mga pangyayaring di dapat limutin,
At ang panahong dapat nating limiin,
Bago makamit ang dapat na sa atin

At ito ang mga itinuturing kong isa sa mga yaman ko sa mundo.........