Wednesday, February 16, 2011

Futuristic Story

Ang Ginintuang Tinig

           Ang bawat talento ay dapat hasain upang gumanda at yumabong  ito. Dapat ay ibinabahagi ang mga biyayang natanggap natin mula sa Panginoon. Ang talentong ito ang maaaring mag-angat sa ating buhay mula sa kahirapan Wag mahihiyangng ipakita ito sa iba dahil kapag ito’y nagtampo, ikaw rin ang manghihinayang sa huli…..


(theadventuresofpixiiandherlife.blogspot.com/2...)
 “Opo, nandyan na po,” sabi ni Lira sa kanyang ina. “Bilisan mo, anak, mahuhuli ka na naman niyan sa klase,” sabi ni Aling Lucy. Si Lira, dalagit na laki sa hirap, ay isang 3rd year student na nag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, isang paaralan sa San Pablo na bagamat public school, ay may mataas na kalidad at maihahanay sa mga magagagaling na private schools. Si Lira ay isa sa mga nangunguna sa klase, magaling siyang kumanta, umarte, magsulat ng mga tula, kwento, at marami pang iba. Sa kabila ng mga magagandang katangiang ito, madalas siyang nakaririnig ng mga di magagandang puna dahil hindi na nga sya gaanong kagandahan, maliit pa sya. Kaya naman hanggang sa magdalaga ay wala siyang manliligaw. “ Oh, anak, ito ang baon mo, mag-iingat ka sa daan hane,” anang Aling Lucy. Halos na yata ng mga napagdaanan ni Lira ay alam ni Aling Lucy, kahit pa nga lovelife nito. “Opo Inay, mag-iingat po ako, una na po ako, ba- Bye!”, sabay halik ni Lira sa pisngi ng kanyang inang nakatayo sa may pintuan. At umalis na si Lira patungong eskwelahan.
           Pagdating pa lamang niya sa may gate ng kanilang eskwelahan ay sinalubong na siya ni Sofia, ang kanyang matapat at maaasahang kaibigan. “Uy, Good Morning, Lira,” sabi ni Sofia habang kinukuha nito ang gamit ng kaibigan.
 “Ako na ang magdadala ng gamit mo”.
“Uy, Good Morning din Sofia, salamat!” sabi ni Lira sa nagmamagandang loob na kaibigan. At sabay na silang nagtungo sa kanilang silid aralan. Pagkaupo  nila ay dumating na si Mrs. Teresa, ang Physics teacher nila.
“Ok class, Good Morning!”
“Good Morning, Mrs. Teresa,” ang sabay sabay na bati  ng mga bata habang tumatayo sa kanilang kina- uupuan.
“Class bago ako magsimulang mag-discuss ng ating lesson, alam nyo na  ba yung naka-paskil sa may bulletin board?” Pagkatanong nito ay kinaringgan niya ang mga estudyante ng mga tanong na “Ano kaya yun?”, “Ano kayang nakapaskil doon?”, “ Maganda kaya yun?”, “Tungkol saan yun?”
“Class, sino dito ang magaling kumanta?”
Biglang sumigaw ang mga estudyante, “Maam si Lira po! LIRA! LIRA! LIRA!
“May band contest sa buong school natin at kulang yung isang banda ng vocalist, ikaw Lira, are you willing to join the band?” tanong ng mausisang guro.
Tumayo si Lira, iniisip niya na baka siya magkamali sa pagkanta o kung hindi man ay pumiyok at mapahiya sa maraming tao. “Maam, ayoko po, ayoko po talaga!”
           Nang mapakinggan ito ng buong klase, narinig ni Lira ang mga salitang “Ano ba yan, napakaarte naman, kung ako ang may ganyang kagandang boses, ako ang mag bo-volunteer na sumali sa band!”
Dahil dito, biglang nanghina ang  kalooban ni Lira, napa-upo siya sa labis na pagkabigla. Gusto niyang umiyak ngunit iniisip niyang baka sabihin ng mga kaklase niya na masyado siyang sensitibo kaya naman tiniis na lamang niya ito.
Hanggang sa pagtulog ay iniisip pa rin niya ang pangyayari.
At sa hindi inaasahang pagkakataon bigla na lamang niyang nakita ang sarili sa may oval ng kanilang paaralan na nakahandusay sa mga damo. At sa di kalayuan ay naaaninag niyang may papalapit sa kanya. Nagtangkang tumayo si Lira ngunit bago pa man niya ito magawa ay hinawakan siya nito at sinabing,“Sino ka, at bakit ka nandito?”  Hindi siya makasagot dahil sa sobrang takot na kanyang nadarama. Muling nagsalita ito,“Tamang-tama may bago na naman kaming bihag! Hahahahaha!!!”
“A…a…a….nong…. bi…hag? A..a….a..ko ay isang bi..hag?” ang nanginginig na tanong ni Lira. At bigla na lamang siyang hinila nito patungo sa tinatawag nilang Faculty Room.
At doon niya nakita ang maraming guro at estudyante na nagkakasiyahan. Ikinulong siya sa grandstand (malapit sa tindahan ng kwek-kwek).
           Sa kanyang pagkakakulong, napansin niyang siya lang pala
ang mag-isang nakapiit sa madilim at mabahong kulungan na iyon.
           At bukod pa sa maruming kulungan niya ay di siya pinapakain ng mga bumihag sa kanya kaya naman imbes na umiyak ay idinadaan na lamang niya iyon sa pag-awit. ito ang patuloy na ginagawa niya hanggang sa marinig ito ng isang kawal.
            “Sino kaya yun? Ang boses niya ay nakaka-ginhawa sa pakiramdam at nakapag-aalis ng kapaguran na aking naranasan!” ang bulalas na sabi ng kawal habang mabilis na nagtungo sa pinanggagalingan ng tinig. Nang maramdaman ni Lira na may paparating, tumigil siya sa pag-awit. Sinabi ng kawal ang ukol dito sa kinauukulan. Nang malaman nila ang tungkol dito pinalabas nila si Lira mula sa grandstand at ipinakita sa mga kinauukulan. Pina-awit nila ito ngunit dahil sa matagal na di pagkanta, ay pumangit ang boses niya na nagging dahilan ng kahihiyan ng kawal. Pinapatay ng mga matataas na pinuno ang kawal sa pag-aakalang nagsisinungaling ito. Pagkamuhi naman ang naramdaman ng mga kamag-anak ng kawal kay Lira. At dahil dito itinakas nila si Lira mula sa pagkakabilanggo nito.
“Maraming salamat po”, sabi ni Lira, ngunit wala ni isa man ang nagsalita sa kanila. Dinala nila si Lira sa may Mapeh Building hindi para iligtas ngunit upang pagbayarin sa nangyari sa kawal na kanilang kamag-anak. Nang papatayin na nila si Lira biglang may sumulpot na isang magandang babae.
“Mrs. Teresa? Ano pong ginagawa ninyo dito? Sabi ni Lira na nangangatal sa takot.
“Ililigtas kita dito,Lira”, anang Mrs. Teresa
“Paano nyo po nalaman na nandito po ako? Paano po kayo nakarating dito?”
“Lira, ito’y isang leksyon lamang para sa ‘yo”.
“Hindi ko po maintindihan, ano pong leksyon ang sinasabi nyo?”

(www.drugs-health.com/blog/wp-content/uploads/...)

“Lira, dahil sa di mo pagpapakita ng natatangi mong talento sa pag-awit ay unti-unti itong binabawi ng Diyos upang ibigay sa iba na nais magkaroon nito”.
“A…a…no po, binabawi? Bakit po?”
“Dahil ang nais ng Diyos ay ibahagi mo sa iba ang biyayang ipinagkaloob  nya sa iyo at kung patuloy mo itong ipagkakait sa iba ay tuluyan nya na itong kukunin sa iyo!”

“Ano po ba ang nararapat kong gawin?”
“Umawit ka ng buong puso at ibahagi ito sa iba,ito pa marahil ang mag-aangat sa iyo sa kahirapan”.
“Paano ko po ito ibabahagi sa iba?”
           Hindi na siya sinagot nito bagkus ay hinila siya nito  patungo sa isang pader kung saan sila naglahong parang bula at bigla na lamang…..
KRRRRING!!! KKKRRRIINGGG!!!! KRRING!!
Biglang nagising si Lira. Pawisang pawisan siya.
“Napakasamang pangyayari, buti at isang panaginip lamang iyon”, ang nasabi ni Lira sa sarili.
Nagbihis na siya patungong eskwelahan, at sa di inaasahang pagkakataon nasalubong niya si Mrs. Teresa.
“Lira, alam mo na ang gagawin mo”, sabi ng guro
           Biglang naalala ni Lira ang kanyang panaginip napagtanto niyang totoo iyon. Pamula noon, sumasali na siya sa iba’t –ibang band at singing contest at ngayon ay sumikat na siya. Nakapag-pagawa ng bahay, nakabili ng kotse, at maraming pang iba in short umunlad ang kanyang buhay. Nakatulong rin siya sa kanyang paaralan, nakapagpagawa na ng maraming room at building, may bubong na ang oval, tatlumpung estudyante na lang bawat room ang nag-aaral, maganda na ang sound system tuwing may program. High-tech na ang mga kagamitan sa pag-tuturo at tig-iisang estudyante na lang kada-computer. Napatunayan niyang  totoo ang mga sinabi ni Mrs. Teresa na ang talentong hinasa at sa iba’y ibinahagi, sa tagumpay ng buhay laging nauuwi.

No comments:

Post a Comment